MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños moved toward sustainable transport through partnership with ACMobility (April 27, 2026)
Published date: Apr 27, 2026
Los Baños moved toward sustainable transport through partnership with ACMobility (April 27, 2026)

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas malinis at makabagong transportasyon ang isinagawa sa pagitan ng integrated mobility platform ng Ayala Corporation o ACMobility, at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong Abril 27, 2026 (Lunes) sa Municipal Administrator’s Office. Dinaluhan ito nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at Chief of Staff Anatoly “Pong” M. Guinto, kasama ang mga kinatawan ng ACMobility na sina Ms. Yvonne Palomar Castro, Ms. Maria Escanilla Bejoc, at Mr. Dennis Betito Jr. Sa naturang talakayan, iminungkahi na gawing pilot site ang Los Baños para sa electric vehicle (EV) integration, isang inisyatibong naglalayong ipakita kung paano maisasama ang electric mobility sa pang-araw-araw na operasyon ng lokal na pamahalaan. Isa sa mga tampok na ideya ay ang paggamit ng EVs bilang pansamantalang pinagkukunan ng kuryente sa oras ng sakuna, gamit ang Vehicle-to-Load (V2L) technology, na makatutulong sa pagpapatakbo ng mahahalagang kagamitan tulad ng ilaw, komunikasyon, at medical devices.

Ibinahagi rin ng ACMobility ang kanilang “Philippine EV Spine” strategy, isang kabuuang solusyon na sumasaklaw sa iba’t ibang uri ng EV tulad ng BYD Shark 6, BYD eMax 7, at BYD Seagull, maging ang pagpapalawak ng charging stations at paggamit ng digital apps gaya ng ChargePlus at EVRO para sa mas maginhawang karanasan. Kaakibat nito ang patuloy na layunin ng Los Baños na mapababa ang carbon emissions at makapagbigay ng mas maaasahan at abot-kayang transportasyon sa lahat. Unti-unting binubuo sa ugnayang ito ang isang mas sustainable at matatag na sistema ng transportasyon para sa kinabukasan ng bayan.

#ACMobility

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 526 Total Views

Related:


;