Likha 2026's Day 2 advanced artistic learning through cultural and creative workshops in Los Baños (April 25, 2026)
Tampok sa ikalawang araw ng Likha: The Los Baños Music and Arts Festival nitong Abril 25, 2026 (Sabado) sa Municipal Multipurpose Hall (MPH), ang iba’t ibang gawaing pangkultura at malikhaing workshop na nagbigay pagkakataon sa mga kalahok na matuto, mahasa ang talento, at higit pang mapalalim ang pagpapahalaga sa sining.
Sa pangangasiwa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at Local Youth Development Office (LYDO) at pakikipagtulungan ng The PIT Lifestyle Habits, matagumpay na naisagawa ang Crochet Fiber Making Workshop sa pangunguna ni Ms. JJ De Chavez, Basic Anatomy and Shading Workshop na pinangunahan ng Guhit Pinas Laguna sa pamumuno ni Sir Rendel Lotino, at Basic Pencil Drawing Workshop ng LSPU Eskultura. Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang pagsuporta sa mga lokal na artista at kabataan habang pinalalakas ang bayan ng Los Baños bilang tahanan ng sining, kultura, at pagkamalikhain.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
