Likha 2026's Day 3 featured hands-on workshops celebrating art, skill, and creativity in Los Baños (April 26, 2026)
Nagpatuloy ang sining at pagkamalikhain sa ikatlong araw ng Likha: The Los Baños Music and Arts Festival. Tampok nitong Abril 26, 2026 (Linggo) sa Municipal Multipurpose Hall (MPH) ang iba’t ibang gawaing pangkultura at malikhaing workshop na nagbigay-daan sa paglinang ng talento ng mga kalahok. Kabilang dito ang Acrylic Painting Workshop kasama ang MakiSining: The Makiling Art Group, kung saan naipamalas ang husay sa paggamit ng kulay at sining biswal, at Charcoal Rendering Workshop kasama ang LSPU Eskultura na nagbigay-tuon sa malikhaing pagguhit at pagpapalawak ng kakayahang artistiko ng mga dumalo.
Naisakatuparan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at Local Youth Development Office (LYDO), at sa pakikipagtulungan ng The PIT Lifestyle Habits. Patunay ang Likha 2026 na ang sining at kultura ay buhay na yaman na patuloy na pinagyayabong, pinahahalagahan, at buong pagmamalaking itinatampok ng ating bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
