MENU
Philippine Standard Time:
Likha 2026's grand finale celebrated the unity, talent, and creative spirit of Los Baños (April 26, 2026)
Published date: Apr 26, 2026
Likha 2026's grand finale celebrated the unity, talent, and creative spirit of Los Baños (April 26, 2026)

Isang engrandeng pagtatapos ang inihandog sa huling gabi ng Likha: The Los Baños Music and Arts Festival nitong Abril 26, 2026 (Linggo) sa Municipal Parking Lot na umapaw sa talento at kasiyahan. Ibinida sa entablado ang iba’t ibang pagtatanghal mula kina Mani Kontador, Georgina, Payting Kimmy, Vultura, Paciano Rizal Elementary School Tinikling Troupe, CDLB Likhayag, Ritmo Eskultura, at Audrey and Evan na pawang nagpakita ng husay, pagkamalikhain, at natatanging talento ng mga Los Bañense.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Likha 2026 sa mga performers, visual artists, exhibitors, partner organizations, volunteers, at sa mga tanggapan ng Municipal Government of Los Baños na naging katuwang sa maayos na pagsasakatuparan ng festival kabilang ang General Services Office (GSO), Public Order and Safety Office (POSO), Municipal Engineering Office (MEO), Public Information Office (PIO), Local Youth Development Office (LYDO), at Municipal Tourism Office. Ang sama-samang panahon at dedikasyon ng bawat isa ang naging susi upang maitanghal ang isang makabuluhan, organisado, at makasaysayang selebrasyon ng musika at sining sa ating bayan.

Sa pagtatapos ng festival, inukit ng Likha 2026 ang isang malinaw na mensahe: na ang sining at talento ng ating bayan ay buhay, makulay, at handang sumabay sa mas malawak na entablado. Higit pa sa isang selebrasyon, ang Likha ay naging matingkad na larawan ng pagkakaisa ng pamahalaan, mga alagad ng sining, kabataan, at ng buong pamayanan sa iisang adhikaing buhayin, pagyamanin, at itanghal ang natatanging kulturang ng ating bayan.

#Likha2026Day3

#LosBañosMusicAndArtsFestival

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 277 Total Views

Related:


;