MENU
Philippine Standard Time:
LB Art Studio Tour showcased the vibrant heart of Los Baños’ Art, Culture, and Tourism in the 3rd Day of Likha: The Los Baños Music and Arts Festival 2026 (April 26, 2026)
Published date: Apr 26, 2026
LB Art Studio Tour showcased the vibrant heart of Los Baños’ Art, Culture, and Tourism in the 3rd Day of Likha: The Los Baños Music and Arts Festival 2026 (April 26, 2026)

Bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng Likha: The Los Baños Music and Arts Festival 2026, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang LB Art Studio Tour nitong Abril 26, 2026 (Linggo). Sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at Local Youth Development Office (LYDO), katuwang ang MakiSining, at The PIT Lifestyle Habits, nabigyang-daan ang isang natatanging paglalakbay na naglapit sa mga kalahok sa iba’t ibang anyo ng sining, malikhaing espasyo, at mahahalagang pook-kultural sa bayan. Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Los Baños Tourism Council sa pangunguna ni Pres. Atty. Albert Ocampo, gayundin ng History, Culture and Arts Council Steering Committee, at mga media partners, bilang suporta sa patuloy na pagpapasigla ng lokal na sining at turismo.

Nagsimula ang tour sa Los Baños Municipal Activity Area bago bumisita sa mga kilalang art studios ng mga tampok na alagad ng sining sa bayan: ang Tamyaw Art Studio ni Mr. Dalnold Laotingco, Daang Kalabaw Art Studio ni Mr. Paul Hilario, Ginhawa Art Studio ni Ms. Yvette Beatrice Co, Unawa Art Studio ni Ms. Nova Lucernas, at Studio Dos ni Mr. Luis “Jungyee” Yee. Bahagi rin ng ruta ang mga passing tour sa ilan sa mga makasaysayan at makabuluhang lugar sa Los Baños at UPLB tulad ng Carabao Park, AG Samonte Hall, UP Oblation, Pegaraw, Old UPLB Main Library, DL Umali Auditorium, Student Union Building, CEC Obdulia Sison Hall, Rizal Centenary Carillon, UPLB Sculpture Garden, IRRI Manansala Mural, at UPOU Pursuit of Education, na lalong nagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa koneksyon ng sining, edukasyon, at kasaysayan sa bayan.

Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga artist, mas nakilala ng mga kalahok ang iba’t ibang mukha ng kontemporaryong sining mula sa makulay na visual narratives ni Mr. Dalnold Laotingco, socially engaging installations ni Mr. Paul Hilario, nature-inspired at found-object creations ni Ms. Yvette Beatrice Co, assemblage at abstraction works ni Ms. Nova Lucernas, hanggang sa kinikilalang installation art legacy ni Father of Philippine Installation Art, Mr.Luis “Jungyee” Yee. Pinatunayan ng LB Art Studio Tour na ang Los Baños ay hindi lamang sentro ng akademya at agham kundi isa ring tahanan ng buhay at umuunlad na bayan ng mga alagad ng sining, isang patunay sa patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan na isulong ang kultura, turismo, at malikhaing identidad ng bawat Los Bañense.

#LBArtStudioTour

#Likha2026Day3

#LosBañosMusicAndArtsFestival

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 323 Total Views

Related:


;