Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of April 2026)
Pinangasiwaan ng Information and Communication Systems Office (ICSO) ang flag raising ceremony sa huling Lunes ng Abril 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Ms. Janice Sombillo, OIC ng ICSO, ang mga tagumpay at kasalukuyang programang isinusulong ng kanilang tanggapan.
Iginawad naman nina Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson Jr., Hon. Miko C. Pelegrina, at Hon. Jay A. Rolusta ang mga sertipiko ng pagkilala sa mga tanggapan at organisasyong nakibahagi sa ginanap na Oplan SUMVAC 2026 (Oplan Ligtas Summer Vacation) noong ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril 2026 na pinangunahan ni MDRRMO Cynthia Quintans. Kabilang sa mga pinarangalan ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Operations Center (OpCen), General Services Office (GSO), Los Baños Traffic Management Office (LBTMO), Public Order & Safety Office (POSO), Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Office IV-A, Kalasag Volunteer Group, Agila Guardians Los Baños, Los Baños Disaster Risk Reduction Management (LBDRRM) Volunteers, United Kabalikat Civicom Los Baños Chapter, RescueKidz Los Baños, Patrol Police Force Multipliers Inc. (PPFMI), Los Banos Safety and Emergency Team (LOBSET), KBNet Malaya, Communication Organization for Peace and Security (COPS), Community Volunteers Organization (CVO), Special Action Force (SAF), United Radio Organization and Communication of Laguna, Inc. (UROCOM), at Make It Makiling! (MIM!) 2026 Organizers.
Nagkaroon din ng makabuluhang pagbabahagi ang Alalay of Los Baños (Alalay Foundation Inc.) sa pamamagitan ni Mr. Bobby Bautista ng mga gamot para sa mga TB patients ng bayan. Buong pusong tinanggap nina Dra. Maria Carlin Lawas-Fabian, Municipal Administrator Virgilio Tiongson Jr., Hon. Miko C. Pelegrina, at Hon. Jay A. Rolusta ang naturang donasyon, na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) sa pangunguna ni Dr. Alvin Isidoro at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni MSWDO Hanna Erika E. Laviña.
Nakiisa rin sa seremonya ang mga Department at Unit Heads, ang DILG Family (PNP, BFP, BJMP, PCG), iba pang mga kawani ng pamahalaan, at mga On-the-Job Trainees bilang sama-samang pagpapakita ng pagkakaisa at pagsusulong ng serbisyong diretso sa tao para sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
