Los Baños celebrated creativity at the opening of Likha: The Los Baños Music and Arts Festival 2026 (April 24, 2026)
Isang makulay na pagdiriwang ng musika at sining ang isinagawang Likha: The Los Baños Music and Arts Festival nitong Abril 24, 2026 (Biyernes), na pinangasiwaan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, at pakikipagtulungan ng The PIT Lifestyle Habits na pinangungunahan ni Mr. Severino Flores katuwang ng iba’t ibang mga organisasyon. Pormal na binuksan ang unang araw ng programa sa mensahe nila Mayor Nocon at Mr. Flores na sinundan ng isang ribbon cutting ceremony sa Municipal Activity Area. Dinaluhan at sinuportahan ito nila Hon. Aldous Amiel Perez at Queensehala Hon. Leren Mae Bautista, kasama sina OIC-LYDO Revilyn Perez, Tourism Officer Edmarie Calungsod, MENRO Focal Person Sitti Fatima Traje, iba pang mga kawani ng munisipyo, at mga partner organizations.
Nagpatuloy ang selebrasyon sa Municipal Grounds kung saan itinampok ang iba’t ibang pagtatanghal mula sa lokal na talento kabilang ang Himig Eskultura (Choir), Yajem X (Performer), Nazty Boys (Dance), Daisy (Local Band), Umalohokan Inc. (Theater), UP SILAKBO (Local Band), at 4030 Movement (Local Band) na lalong nagbigay-buhay sa adhikain ng paglinang at pagpapalaganap ng sining at kultura sa bayan ng Los Baños.
Lubos na pasasalamat sa Municipal Tourism Office at sa pakikipagtulungan ng Local Youth Development Office sa kanilang pangunguna sa pag-organisa ng programang ito.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
