Brig. Gen. Mikee Romero donated for the First Smart Classroom of the Rizal Classrooms of the Future Initiative of Los Baños (April 23, 2026)
Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kay Brig. Gen. Michael "Mikee" Romero, isang kilalang philanthropist, sportsman, at entrepreneur sa kanyang bukas-palad na pag-adopt sa kauna-unahang silid-aralan sa ilalim ng Rizal Classrooms of the Future na inisyatiba ni Hon. Mayor Nocon. Ang naturang donasyon na nagkakahalaga ng ₱150,000 ay pormal na itinurn-over noong Abril 23, 2026 (Huwebes) sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa ginanap na General Membership Meeting ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Los Baños sa pamumuno ni Engr. Grace Bondad Nicolas. Lubos ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa mahalagang ambag na ito na magpapalakas ng makabagong teknolohiya sa edukasyon, kabilang ang Rizal Tablet na magagamit ng mga mag-aaral.
Ipinahayag ni Mayor Nocon na ang proyektong ito ay hindi lamang para sa Los Baños kundi magsisilbing huwaran para sa buong bansa sa paghahanda sa kabataan sa digital na hinaharap. Ang Rizal Classroom of the Future ay nakatakdang ilunsad sa Hunyo 19, 2026, kasabay ng paggunita sa kapanganakan ni José Rizal, na sumisimbolo sa kahalagahan ng edukasyon sa paghubog ng bayan. Sa patuloy na ugnayan, higit na pinag-iibayo ng Los Baños ang adhikain nitong maghatid ng inklusibo at dekalidad na edukasyon para sa bawat kabataang Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
