MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of April 2026)
Published date: Apr 20, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of April 2026)

Pinangunahan ng Pamahalaang Barangay ng Batong Malake ang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong ikatlong Lunes ng Abril 2026. Nagbigay ng ulat si Kgg. Kagawad Randel Rizaldo bilang kinatawan ni Punong Barangay Ian Kalaw, kung saan inilahad ang mga nagawa at patuloy na programa ng barangay para sa kapakanan ng mamamayan.

Dumalo at nagbigay suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, at Hon. Jay A. Rolusta. Nakiisa rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson at Chief of Staff Mr. Pong Guinto, kasama ang DILG Family (PNP, BFP, BJMP), PCG, iba pang mga kawani ng pamahalaan. Patunay ang gawaing ito ng sama-samang pagkakaisa at patuloy na pagsusulong ng serbisyong diretso sa tao para sa bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 299 Total Views

Related:


;