National Solo Parents Day celebrated at Los Baños (April 18, 2026)
Masiglang ipinagdiwang ang National Solo Parents Day nitong ika-18 ng Abril 2026 (Sabado) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center bilang bahagi ng National Solo Parents Week na ipinagdiwang noong Abril 13 hanggang 18, 2026. Pinangasiwaan ito ng Los Baños Solo Parents Federation sa pangunguna ni Mr. Lolito Bariring. Sa temang “Hindi ka Nag-iisa sa iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parents,” kinilala dito ang mahalagang papel ng mga Solo parents sa paghubog ng isang mas matatag na lipunan.
Nagbigay ng mensahe si Solo Parent Focal Person Sheila Marie P. Care, RSW na nagbigay pugay sa sakripisyo at katatagan ay ng bawat solo parent. Nagpaabot din ng mensahe si MSWDO Hanna Erika Laviña, RSW, MPA na muling tiniyak ang tuloy-tuloy na suporta ng Pamahalaan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon para sa kapakanan at pag-unlad ng mga solo parents.
Nagsagawa rin ng parada sa tampok na patimpalak na “Gandang Solo Parent 2026,” kung saan buong gilas na ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang karisma, at talino. Kinilala bilang Gandang Solo Parent 2026 ang Brgy. Maahas, 1st Placer ang Brgy. Bayog, at 2nd Placer ang Brgy. Anos. Nagdagdag pa ng saya sa programa ang mga raffle prizes na labis na kinagiliwan ng mga kalahok. Isang pagdiriwang ng tibay, pag-asa, at pagkakaisa. Mabuhay ang Solo Parents ng Los Baños!
#NationalSoloParentsDay
#NationalSoloParentsWeek
#LosBañosSoloParentsFederation
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
