Expanded Centenarian Program First Batch Payout at Los Baños (April 17, 2026)
Ginanap ang Expanded Centenarian Program First Batch Payout na may temang “Pagpupugay sa buhay na puno ng karunungan at pamana” nitong ika-17 ng Abril 2026 (Biyernes) sa Municipal Activity Area. Pinangasiwaan ito ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni MSWDO/ OSCA Caretaker Hanna Erika E. Laviña. Naging possible rin ito sa pakikipagtulungan ng National Commission for Senior Citizens (NCSC) sa pangunguna ni Ms. Ana Marie Calapit.
Kinilala dito at pinarangalan ang mahalagang ambag ng mga nakatatandang mamamayan ng bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang benepisyo sa mga umabot sa edad na 80, 85, 90, 95, at 100 taon. Isa sa mga nakatanggap dito ay si Gng. Sophia G. Tidon, minsang naging Konsehal ng Los Baños at ang nag-iisang natitirang beteranang saksi sa pananakop ng mga Hapon sa Los Baños.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa lipunan at ang pangakong patuloy na maghatid ng mga serbisyong may dignidad, kalinga, at paggalang para sa ating mga nakatatanda.
#ExpandedCentenarianProgram
#FirstBatchPayout
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
