Newly elected and appointed Malinta SK officials took oath and visited the Los Baños Operations Center (April 16, 2026)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong ika-16 ng Abril 2025 (Miyerkules) ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong appointed at elected officials ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Malinta, kabilang sina SK Treasurer Shayne Dominique B. Maque, SK Kagawad Anya Louise P. Carpena, at SK Kagawad Luke Gabriel Bandoy. Naging saksi naman si SK Chairperson Edmund Lloyd E. Velasco, bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagpapatibay ng pamumuno ng kabataan sa kanilang barangay.
Matapos ang seremonya, bumisita ang grupo sa Operations Center ng Los Baños upang mas mapalalim ang kanilang pag-unawa sa mga programa at mekanismo ng lokal na pamahalaan sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan ng bayan. Sa pamamagitan nito, higit na pinagtibay ang mahalagang papel ng kabataan sa pamamahala at hinihikayat silang maging aktibo at responsableng katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaunlaran sa kanilang barangay.
#SangguniangKabataanNgMalinta
#OathTakingCeremony
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
