MENU
Philippine Standard Time:
MGLB officials welcomed the Laguna Police Provincial Office officials in Courtesy Visit (April 13, 2026)
Published date: Apr 13, 2026
MGLB officials welcomed the Laguna Police Provincial Office officials in Courtesy Visit (April 13, 2026)

Mainit na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, at Hon. Jay A. Rolusta, sina Police Colonel Sandro Jay DC Tafalla, Acting Police Director ng Laguna Police Provincial Office (LPPO), at Police Master Sergeant Jayson F. Dizon sa kanilang pagbisita sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños nitong ika-13 ng Abril 2026 (Lunes).

Tinalakay sa pulong ang mahahalagang usapin hinggil sa kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pagpapaigting ng mga programang pangseguridad upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan ng Los Baños. Ang patuloy na pagtutulungan ay patunay ng kanilang nagkakaisang adhikain na makapaghatid ng mas maayos, ligtas, at episyenteng serbisyo publiko.

#CourtesyVisit

#LagunaPoliceProvincialOffice

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 433 Total Views

Related:


;