MENU
Philippine Standard Time:
MGLB and DOLE delivered aid through the TUPAD Payout Program (April 13, 2026)
Published date: Apr 13, 2026
MGLB and DOLE delivered aid through the TUPAD Payout Program (April 13, 2026)

Isinagawa nitong ika-13 ng Abril 2026 (Lunes) ang TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) Payout sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center, sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) na pinangungunahan ni Ms. Gliceria Trinidad, at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Nagbigay ang programang ito ng pansamantalang hanapbuhay at tulong pinansyal sa mga displaced at underemployed workers ng ating bayan.

Ang mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ay nakatanggap ng ayuda na nagsilbing agarang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Patunay ito ng patuloy na malasakit at sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at DOLE sa pagtataguyod ng kabuhayan at kapakanan ng bawat Los Bañense.

#TUPADpayout

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 400 Total Views

Related:


;