Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Monday of April 2026)
Pinangasiwaan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Ms. Hanna Erika E. Laviña kasama ang mga kawani ng MSWDO at mga Child Development Workers (Early Childhood Development Workers) ng iba't ibang barangay, ang pagtataas ng watawat sa ikalawang Lunes ng Abril 2026 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Ms. Laviña ang mga tagumpay at kasalukuyang programa ng kanilang tanggapan. Binati naman ni Mayor Nocon ang bawat opisyal at kawani at hinikayat ang lahat sa panibagong linggo ng masigla at dedikadong paglilingkod.
Dumalo at nagbigay suporta ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Jay A. Rolusta, at ABC President Gaudencio Macatangay. Nakiisa rin ang mga Department at Unit Heads sa pangunguna ni Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson at Chief of Staff Mr. Pong Guinto, ang DILG Family (PNP, BFP, BJMP, PCG), iba pang mga kawani ng pamahalaan, at mga On-the-Job Trainings bilang sama-samang pagpapakita ng pagkakaisa at pagsusulong ng serbisyong diretso sa tao para sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
