New Partners joined Los Baños as preparations advanced for the Rizal Classrooms of the Future Pilot Launch (April 8, 2026)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang ikatlong pagpupulong ng Rizal Classrooms of the Future (RCOF) Core Group at Technical Working Group na isinagawa sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office sa pamumuno ni Ms. Karen Lagat-Mercado, nitong ika-8 ng Abril 2026 sa Mayor’s Conference Room ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Nakiisa sa pagpupulong ang mga bagong katuwang ng proyekto mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Los Baños at Makiling Lodge No. 72, na nagpahayag ng kanilang suporta sa pagpapatupad ng inisyatiba para sa makabagong pagkatuto ng mga mag-aaral.
Dumalo rin sa pulong sina Hon. Councilor Jay Rolusta, Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson Jr., Chief of Staff Anatoly Guinto, Lt. Col. Janette Chavez-Arceo, Municipal Engineer Ricky Estopace, Planning Officer III Lou Andie Reyes, Prof. Violeta Quintana, Mr. Arvin Diamante, Ms. Sylvia Encabo, Ms. Janice Sombillo, Mr. Miguel Paolo Abella, at Ms. Maine Ariola. Tinalakay ang kasalukuyang estado ng proyekto, kabilang ang procurement at nilalaman ng Rizal Tablet, mga paghahanda para sa paglulunsad ng Rizal Classrooms of the Future at Rizal Tablet, at ang pag-aayos ng mga silid-aralan para sa pilot implementation. Nakatakdang isagawa ang pilot launch sa Mayo para sa mga papasok na Grade 4 na mag-aaral ng Los Baños Central Elementary School, habang inaasahan ang ganap na implementasyon sa darating na Hunyo.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
