Municipal School Board Meeting reinforced collaboration for quality education in Los Baños public schools (April 8, 2025)
Maayos na isinagawa ang Municipal School Board Meeting nitong ika-8 ng Abril 2026 (Miyerkules) sa Mayor’s Conference Room ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Tinalakay sa pulong ang mga paghahanda para sa Brigada Eskwela at ang mga pinakabagong update hinggil sa Rizal’s Classroom of the Future, isang inisyatibang naglalayong mapahusay ang mga pasilidad at kapaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa bayan.
Dumalo sa nasabing pulong sina Dr. Soledad S. Villanueva, DepEd Public Schools District Supervisor at Co-Chairperson ng Municipal School Board; Hon. Samantha Nicole A. Banasihan-Ortega, Sangguniang Kabataan Federation President; MPDO Twila Torres; Mr. Rodel J. Guevarra, Non-Academic Personnel Representative ng Mayondon Elementary School; Mr. Marcelino M. Ramos, President ng Teachers’ Association; at Mr. Franco A. Del Castillo, Public School Level Representative ng Bayog Senior High School. Kasama rin sa mga dumalo sina Ms. Maisie Angelique S. Ilao, Ms. Mary Ann Rabulan, at Mr. Christian Anton S. Illagan, mga Teacher’s Aide ng DepEd District Office; Ms. Luzviminda D. Malibiran, President ng PTA Federation; Ms. Maria Elisa M. Ronan ng Rotary Club of Los Baños Makiling; Mr. Rolito H. Bacalangco Jr. ng Young Men’s Christian Association of Los Baños (YMCA-LB); at Mr. Gerardo V. Tolentino at Mr. Crisologo S. Angeles ng Knights of Rizal – Mt. Makiling Chapter, at iba pang kawani ng pamahalaan. Ang pagpupulong ay higit pang pinag-ibayo ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan, mga paaralan, at mga organisasyon sa pagsusulong ng dekalidad at umaabanteng edukasyon sa bayan ng Los Baños.
#MunicipalSchoolBoard
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
