Groundbreaking Ceremony of the UPLB Campus Map and Waiting Shed (April 8, 2026)
Personal na dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa Groundbreaking Ceremony ng UPLB Campus Map at Waiting Shed nitong ika-8 ng Abril 2026 (Miyerkules), bilang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapabuti ng mga pasilidad sa loob ng pamantasan.
Pinangunahan ang programa nina UPLB Chancellor Dr. Jose V. Camacho Jr., UP Alumni Regent at UP Alumni Association (UPAA) President Robert Lester F. Aranton, at ang Upsilon Sigma Phi Alumni Association Board of Trustees sa pangunguna ni Chair Eric Pilapil, kasama ang Upsilon Sigma Phi Los Baños Alumni Association sa pamumuno ni Chairman Aurelio Tayag. Dinaluhan din ang seremonya ng mga kinatawan ng Amber Builders, mga miyembro ng Upsilon Sigma Phi Alumni at resident fellows, mga kinatawan ng partner organizations, alumni, kabahaging mga organisasyon, at mga miyembro ng UPLB community.
Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng UPLB community, alumni organizations, at ng lokal na pamahalaan upang higit pang mapahusay ang kaayusan at kaginhawaan sa pamantasan. Muli nitong pinagtibay ang ugnayan ng akademya at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsusulong ng mga programang magdudulot ng pangmatagalang benepisyo sa mamamayan.
#GroundbreakingCeremony
#UPLBCampusMapAndWaitingShed
#UpsilonSigmaPhi
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
