MENU
Philippine Standard Time:
Strengthening the capacity of the Barangay Nutrition Committee in addressing malnutrition in Barangay Tuntungin Putho (April 7, 2026)
Published date: Apr 7, 2026
Strengthening the capacity of the Barangay Nutrition Committee in addressing malnutrition in Barangay Tuntungin Putho (April 7, 2026)

Isinagawa nitong Abril 7, 2026 (Martes) sa Farm Villa Learning and Residential Facility, College Ville, Los Baños ang Strengthening the Capacity of the Barangay Nutrition Committee in Addressing Malnutrition in Barangay Tuntungin Putho, isang pagsasanay at planning workshop na naglalayong higit pang palakasin ang kakayahan ng Barangay Nutrition Committee sa pagtugon sa mga suliranin ng malnutrisyon sa komunidad. Pinangunahan ang programa ng Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pangunguna ni Ms. Madeleine Alforja, RND, at dinaluhan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na nagbigay ng mensahe ng suporta sa patuloy na pagpapatibay ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon para sa mga pamilya sa barangay. Tampok sa aktibidad ang mga talakayan mula sa mga eksperto kabilang sina Cristina Sison, RND at Dr. Ana Lorraine D. Dela Vega ng UPLB, na nagbigay ng mahahalagang kaalaman hinggil sa pagsusuri ng kalagayang nutrisyon ng komunidad at mga konkretong hakbang upang matugunan ang malnutrisyon.

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga serbisyong pangnutrisyon sa lokal na pamahalaan, nagkaroon din ng donasyong mga nutrition assessment tools para sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños at Barangay Tuntungin Putho mula kay UPOU Assistant Professor Ari Luis C. Halos sa pamamagitan ni Ms. Cristina Sison, RND kabilang ang mga Beam Balance, weighing scale, hemoglobin testing kit, at iba pang mga kagamitang higit na makatutulong sa mga programang pangkalusugan at nutrisyon ng barangay. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ang sama-samang adhikain na masugpo ang malnutrisyon at mapabuti ang kalusugan ng bawat pamilyang Los Bañense.

#BarangayNutritionCommittee

#AddressingMalnutrition

#BarangayTuntunginPutho

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 257 Total Views

Related:


;