MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park (March 28, 2026)
Published date: Mar 28, 2026
Los Baños Sunset at the Park (March 28, 2026)

Muling pinasigla ang gabi sa General Paciano Rizal Park sa ginanap na Los Baños Sunset at the Park nitong Marso 28, 2026. Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, muling nagtipon ang komunidad para sa isang gabing puno ng musika, saya, at pagkakaisa.

Nagbigay aliw ang mga kahanga-hangang performances nina Jisun, Pareng Don, MK Salinas, Bernova, Panels, Chay, Lynx, at Hoyabella na tunay na naghatid ng buhay sa entablado at sa puso ng bawat manonood. Mula sa kantahan hanggang sa kwentuhan at tawanan, naging daan ang programa upang mas mapalapit ang bawat pamilya, magkakaibigan, at magkapareha.

Isang gabi ng simpleng ligaya ngunit punong-puno ng alaala, patunay na sa bawat pagtitipon, buhay ang diwa ng komunidad ng Los Baños.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 186 Total Views

Related:


;