MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (Last Monday of March 2026)
Published date: Mar 30, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (Last Monday of March 2026)

Matagumpay na naisagawa ang huling Lunes ng Marso 2026 Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, na pinangunahan ng Bureau of Fire Protection – Los Baños Fire Station sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Nagbigay ng ulat si FSINP Cid Vincent V. Manaig hinggil sa mga naging accomplishments ng kanilang tanggapan para sa unang quarter ng 2026. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pag-iingat at pagiging handa laban sa sunog bilang bahagi ng kolektibong responsibilidad ng bawat mamamayan.

Bilang pagkilala sa patuloy na suporta at dedikasyon sa mga programa at inisyatiba ng BFP, iginawad ang isang token of appreciation kay Mayor Nocon, na tinanggap ni Atty. Virgilio Tiongson, Jr., Municipal Administrator, bilang kanyang kinatawan. Kasabay nito, pinarangalan ang mga nagwagi sa iba’t ibang aktibidad kaugnay ng katatapos lamang na Fire Prevention Month:

• Arts Contest 2026 – Spoken Poetry Category

3rd Place: Shane Cyrus Cuevas – Lalakay Senior High School

2nd Place: James Hardy Gabales – Bambang Senior High School

1st Place: Fearl Candano – Bayog Senior High School

• Canvas Painting Category

3rd Place: Sophia Rhoze Ramirez – Malinta Elementary School

2nd Place: Ruiz Rayne Oaefericua – San Antonio Elementary School

1st Place: Cynthhua Breece Manuel – JC Infinity Developmental School, Inc.

• Brgy. Fire Olympics 2026 – Special Awards

Best in Hose Laying and Replacement of Busted Hose: Brgy. Mayondon

Best in Bucket Relay: Brgy. Bayog

Best in Flammable Liquid Fire Extinguishment: Brgy. Timugan

• Overall Winners – Brgy. Fire Olympics 2026

3rd Place: Brgy. San Antonio

2nd Place: Brgy. Mayondon

1st Place: Brgy. Timugan

Nakiisa rin sa seremonya si Ms. Marilyn F. Ogaya,MADem, Regional Director ng Commission on Population and Development- CALABARZON, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, DILG Family, mga department at unit heads, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan. Sa patuloy na pagtutulungan, sama-sama nating isinusulong ang isang ligtas, maayos, at handang komunidad para sa bawat mamamayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 464 Total Views

Related:


;