MOA signing between Los Baños LGU and Commission on Population and Development (CPD)CALABARZON strengthened POPDEV implementation efforts (March 30, 2026)
Matagumpay na naisagawa ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ng Commission on Population and Development (CPD) – CALABARZON sa pangunguna ni Regional Director Marilyn F. Ogaya, MADem, kaugnay ng Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) Localization Partnership nitong Marso 30, 2026 na ginanap sa Tanggapan ng Punong Bayan.
Layunin ng kasunduang ito na palakasin ang kolaborasyon ng dalawang panig sa pagpapatupad ng Population and Development (POPDEV) strategies upang matugunan ang mga isyung demograpiko at mapabilis ang lokal na sosyo-ekonomikong pag-unlad. Kabilang dito ang pagpapatatag ng lokal na mekanismo sa pagpaplano at implementasyon, pagpapahusay ng kakayahan ng mga kawani, pagpapabuti ng mga polisiya at serbisyo, at pagtatatag ng maaasahang POPDEV database para sa batay-sa-datos na pamamahala.
Sa ilalim ng partnership, magbibigay ang CPD CALABARZON ng teknikal na gabay, capacity building, at mentoring sa LGU Los Baños sa pagbuo at pagpapatupad ng POPDEV plans at programs, kabilang ang integrasyon nito sa local development and investment plans.
Samantala, ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay aktibong magpapatupad at magsusustina ng mga programa sa pamamagitan ng lokal na pondo, koordinasyon ng mga tanggapan, at pakikipagtulungan sa civil society organizations at iba pang stakeholders.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina MPDC Twila Torres, Chief of Staff Anatoly Guinto, Ms. April Rose C. Sancon, PPW II; Ms. Maria Ancilyn Mendoza, PPO II; Mr. Paul Adrian Macayanan, PPW II; at Ms. Nenita Lapitan bilang kinatawan ng Civil Society Organization (CSO), na nagpakita ng suporta sa naturang makabuluhang partnership. Sa kabuuan, inaasahang magdadala ang kasunduang ito ng mas matatag, inklusibo, at evidence-based na pamamahala ng populasyon tungo sa mas maunlad na Bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
