Los Baños National High School Poblacion marked its 11th Moving Up Ceremony and 4th Graduation Rites of the Special Needs Education (SNED) (March 30, 2026)
Masigabong palakpakan at pagbibigay-pugay ang bumalot sa Los Baños National High School- Poblacion sa pagdiriwang ng ika-11 na Paglilipat Antas ng Baitang 10 at ika-4 na Pagtatapos ng Special Needs Education (SNED) na ginanap nitong araw sa LBNHS-Poblacion, Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna.
Dinaluhan ito ni Mayor Neil Andrew Nocon na nagpaabot ng kanyang mensahe ng pagbati at inspirasyon sa mga mag-aaral na nagsipagtapos at magsisipaglipat antas. Sa temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao,” binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tiyaga, disiplina, at mabuting asal bilang susi sa tagumpay, gayundin ang patuloy na pangarap para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Naging makabuluhan din ang okasyon sa presensya ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Ms. Emma Izon, Punong-Guro, kasama si Ms. Marian Fermin, at Punong Barangay Renato Samson, na nagpakita ng buong suporta at pakikiisa sa tagumpay ng mga mag-aaral. Ang kanilang sama-samang pagsisikap ay naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.
Congratulatulations, graduates! Patuloy kayong maging inspirasyon ng pag-asa at pag-unlad, mga kabataang handang harapin ang hamon ng bukas taglay ang kahusayan, katatagan, at pusong may malasakit sa kapwa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
