8th Graduation Rites of the Los Baños Senior High School - San Antonio celebrated the achievements of its graduates (March 30, 2026)
Isang makabuluhan at makulay na pagdiriwang ang naganap sa Los Baños Senior High School sa Brgy. San Antonio sa kanilang ika-8 Araw ng Pagtatapos ngayong Marso 30,2026; na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”
Dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon upang maghatid ng mensahe ng pagbati at inspirasyon sa mga nagsipagtapos. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpupursige, disiplina, at integridad bilang mga sandigan sa pagharap sa susunod na yugto ng kanilang buhay, at hinikayat ang mga mag-aaral na patuloy na mangarap at magsikap para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Pinangunahan ni G. Rolly B. Caidic, Punong-Guro ng paaralan, ang nasabing pagdiriwang kasama ang mga guro at kawani na patuloy na gumagabay at humuhubog sa kakayahan at pagkatao ng mga mag-aaral. Ang kanilang dedikasyon ay patunay ng matibay na pundasyon ng edukasyon sa Los Baños.
Muli, taos-pusong pagbati sa Batch 2026! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at pag-asa ng ating bayan, mga kabataang handang mamuno nang may talino, kakayahan, at mabuting puso.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
