MOA Signing between the Municipality of Los Baños and the Rotary Club of Los Baños Makiling formalized partnership for public service initiatives (March 31, 2026)
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas pinalakas na serbisyong panlipunan at pangkaunlaran ang naisakatuparan sa matagumpay na MOA Signing sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Rotary Club of Los Baños Makiling ngayong Marso 31, 2026, na ginanap sa Municipal Conference Room. Pinangunahan ito ng kanilang Pangulo na si Arlyn D. Lamigo, katuwang ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Nakiisa rin sa nasabing kasunduan sina Chief of Staff Anatoly Guinto, MPDC Twila Torres, Engr. Randy Cuaresma at mga kinatawan ng Rotary Club na sina Ms. Teresita A. Natividad at Ms. Iluminada V. Gomez.
Layunin ng kasunduang ito na maglatag ng matibay na balangkas ng pagtutulungan upang maisakatuparan ang iba’t ibang programa na nakahanay sa Seven Areas of Focus ng Rotary International, kabilang ang kalusugan, edukasyon, kapakanan ng ina at bata, access sa malinis na tubig at sanitasyon, kaunlarang pang-ekonomiya, kapayapaan, at pangangalaga sa kalikasan. Sa ilalim ng kasunduang ito, parehong magsasagawa ang dalawang panig ng koordinadong pagpaplano, implementasyon ng mga proyekto, at pagtukoy ng mga benepisyaryo, kalakip ang pagbibigay ng suportang teknikal at logistikal. Tinitiyak din nito ang transparency, accountability, at sustainability ng bawat programang ipatutupad para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pakikiisa at malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at ng Rotary Club of Los Baños Makiling sa paghahatid ng serbisyong may malasakit, kalidad, at pangmatagalang epekto para sa bawat Los Bañense.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
