MENU
Philippine Standard Time:
Batch 2026 graduates of Mayondon Elementary School were honored during its 77th graduation ceremony (March 31, 2026)
Published date: Mar 31, 2026
Batch 2026 graduates of Mayondon Elementary School were honored during its 77th graduation ceremony (March 31, 2026)

Isang makabuluhan at puno ng tagumpay na pagdiriwang ang ginanap sa ika-77 Araw ng Pagtatapos ng Mayondon Elementary School noong ika-31 ng Marso 2026, na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.” Dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon upang magpaabot ng kanyang taos-pusong pagbati at mensahe ng inspirasyon sa mga nagsipagtapos. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sipag, disiplina, at mabuting asal bilang pundasyon ng tagumpay, at hinikayat ang mga mag-aaral na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap at maging handa sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral.

Pinangunahan ni Mr. Rodel Guevarra, Punong-Guro ng Mayondon Elementary School, ang nasabing pagdiriwang kasama ang mga guro at kawani ng paaralan na patuloy na gumagabay sa paghubog ng kabataang mag-aaral. Nakiisa rin at nagbigay-suporta sina Dr. Brenda Ramirez, Punong-Guro ng Lalakay Elementary School, at Dr. Romelda O. De Jose, Punong-Guro ng Malinta Elementary School, bilang patunay ng pagkakaisa at malasakit sa sektor ng edukasyon.

Maligayang pagbati, Batch 2026 graduates! 

#Batch2026

#ArawNgPagtatapos

#ElementaryGraduates

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 325 Total Views

Related:


;