MENU
Philippine Standard Time:
Tuntungin Putho Integrated National High School conducted its 9th Graduation Rites(March 31, 2026)
Published date: Mar 31, 2026
Tuntungin Putho Integrated National High School conducted its 9th Graduation Rites(March 31, 2026)

Isang makulay na selebrasyon ng tagumpay at pangarap ang nasaksihan sa ika-9 na Araw ng Pagtatapos ng Tuntungin Putho Integrated National High School ngayong araw, na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.” Dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon upang magpaabot ng kanyang pagbati at inspirasyon sa mga nagsipagtapos. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng sipag, disiplina, at matibay na paninindigan bilang gabay sa pag-abot ng mga mithiin, at hinikayat ang mga mag-aaral na patuloy na magsikap at maging handa sa mga susunod na hamon ng buhay.

Pinangunahan ni Ms. Mercy Capistrano, Punong-Guro ng paaralan, ang nasabing pagdiriwang kasama ang mga guro at kawani na patuloy na naglalaan ng panahon at dedikasyon sa paghubog ng kabataang mag-aaral. Ang kanilang sama-samang pagsisikap ay patunay ng kanilang malasakit sa pagbibigay ng dekalidad at inklusibong edukasyon.

Muli, taos-pusong pagbati sa Batch 2026! Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon at pag-asa ng ating bayan, mga kabataang handang mangarap, magsikap, at magtagumpay. 

#Batch2026

#ArawNgPagtatapos

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 273 Total Views

Related:


;