MENU
Philippine Standard Time:
67th Commencement Exercises of Paciano Rizal Elementary School celebrated Batch 2026 graduates in Los Baños (March 31, 2026)
Published date: Mar 31, 2026
67th Commencement Exercises of Paciano Rizal Elementary School celebrated Batch 2026 graduates in Los Baños (March 31, 2026)

Isang masayang pagdiriwang ng tagumpay at pagpupugay sa kabataan ang naganap sa ika-67 Araw ng Pagtatapos ng Paciano Rizal Elementary School noong ika-31 ng Marso 2026, na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang may Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”

Dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon upang iparating ang kanyang taos-pusong pagbati at inspirasyon sa mga nagsipagtapos. Binigyang-diin niya ang halaga ng sipag, tiyaga, at mabuting asal bilang susi sa paghubog ng magandang kinabukasan, at hinikayat ang mga mag-aaral na patuloy na mangarap at magsikap sa susunod na yugto ng kanilang pag-aaral.

Nakiisa rin sa makabuluhang okasyon si Hon. Congressman Ramil Hernandez, na nagpaabot din ng mensahe ng suporta para sa sektor ng edukasyon. Pinangunahan naman ni Mr. Welner L. Gozo, Punong-Guro ng paaralan, ang pagdiriwang kasama ang mga guro at kawani na patuloy na nagsusulong ng dekalidad na edukasyon at paggabay sa mga mag-aaral.

Isang taos-pusong pagpupugay at pagbati sa lahat ng Batch 2026 graduates! Nawa’y magsilbing simula ito ng mas makulay at matagumpay ninyong kinabukasan, dala ang sipag, tiyaga, at paninindigan sa bawat hakbang na inyong tatahakin. 

#Batch2026

#ArawNgPagtatapos

#ElementaryGraduates

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 298 Total Views

Related:


;