MENU
Philippine Standard Time:
Oath Taking Ceremony of the new Acting Barangay Captain ng Brgy. Mayondon, Los Baños (March 31, 2026)
Published date: Mar 31, 2026
Oath Taking Ceremony of the new Acting Barangay Captain ng Brgy. Mayondon, Los Baños (March 31, 2026)

Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Hon. Danilo V. Apolinario bilang Acting Barangay Captain ng Brgy. Mayondon ngayong Marso 31, 2026, sa Mayor’s Office ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños. Ang panunumpa ay pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, bilang patunay ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa maayos at epektibong pamamahala sa antas ng barangay.

Kasama ring sumuporta sa panunumpa sina MLGOO Michiko Resureccion, Mr. Reymarc Torres, Barangay Secretary, at Ms. Ma. Lea Cabarrubias, Barangay Treasurer, na magsisilbing katuwang sa pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang panibagong yugto ng pamumuno sa Brgy. Mayondon upang higit pang mapalakas ang pagkakaisa, kaayusan, at kaunlaran ng komunidad. 

#ActingBrgyCaptain

#BrgyMayondon

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 439 Total Views

Related:


;