Mayor Nocon inspected SUMVAC (Summer Vacation) stations ahead of Holy Week observance (Oplan Ligtas Summer Vacation) (April 1, 2026)
Noong Abril 1 (Miyerkules), personal na ininspeksyon at binisita ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang mga inilatag na SUMVAC (Summer Vacation) Stations sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Los Baños bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa tag-init at sa nalalapit na Semana Santa. Layunin ng nasabing inspeksyon na tiyakin ang kahandaan ng bawat istasyon sa pagbibigay ng agarang tulong, seguridad, at impormasyon sa publiko upang masiguro ang ligtas, maayos, at komportableng paglalakbay ng bawat mamamayan at bisita sa bayan.
Makikita rin ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at yunit ng pamahalaan, kabilang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), General Services Office (GSO), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Volunteers, United Kabalikat Civicom, Civilian Volunteer Organization (CVO), Kabataang Barangay Network (KBNET), Philippine Public Safety and First Aid Management Incorporated (PPFMI), Community-Oriented Public Safety (COPS), Special Action Force (SAF), Agila Guardians, UROCOM, Rescue Kidz, Laguna Rescue, Los Baños Emergency Team (LOBSET) MDRRMO, Public Order and Safety Office (POSO), Civil Society Organization (CSO) representatives, volunteers, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na nakatalaga sa bawat SUMVAC station upang magsilbi at magbantay sa kapakanan ng publiko. Kasama rin sa isinagawang inspeksyon sina Ms. Cynthia Quintans, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer, at Mr. Edilco Abad, Public Service Officer, na kapwa nagpahayag ng kanilang buong suporta sa mga programang naglalayong mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong bayan.
Patuloy ang paalala ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa lahat na mag-ingat, maging mapagmatyag, at makiisa sa mga ipinatutupad na hakbang para sa isang ligtas at makabuluhang paggunita ng Semana Santa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
