MENU
Philippine Standard Time:
Oplan SUMVAC 2026 (Oplan Ligtas Summer Vacation) carried out to ensure safe travel and public security during summer vacation in Los Baños (April 2, 2026)
Published date: Apr 2, 2026
Oplan SUMVAC 2026 (Oplan Ligtas Summer Vacation) carried out to ensure safe travel and public security during summer vacation in Los Baños (April 2, 2026)

Sa pagpapatuloy ng isinagawang inspeksyon, noong Abril 2, 2026 ng hapon (Miyerkules), personal na binisita ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang mga SUMVAC (Summer Vacation) Stations sa iba’t ibang bahagi ng Los Baños bilang bahagi ng paghahanda para sa Semana Santa at inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong tag-init. Layunin nito na tiyakin ang kahandaan ng bawat istasyon sa pagbibigay ng agarang tulong, seguridad, at impormasyon sa publiko.

Naging maayos ang pagpapatupad sa tulong ng iba’t ibang ahensya at katuwang na grupo tulad ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Municipal Health Office (MHO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), General Services Office (GSO), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Volunteers, United Kabalikat Civicom, Civilian Volunteer Organization (CVO), Kabataang Barangay Network (KBNET), Philippine Public Safety and First Aid Management Incorporated (PPFMI), Community-Oriented Public Safety (COPS), Special Action Force (SAF), Agila Guardians, Urban Rescue Operations Command (UROCOM), Rescue Kidz, Laguna Rescue, Los Baños Emergency Team (LOBSET) MDRRMO, Public Order and Safety Office (POSO), Civil Society Organization (CSO) representatives, volunteers, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan na naka-duty sa bawat istasyon. Kasama rin sa inspeksyon sina Ms. Cynthia Quintans, Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) Officer, at Mr. Edilco Abad, Public Service Officer.

Patuloy ang paalala sa lahat na mag-ingat, maging mapagmatyag, at makiisa para sa isang ligtas at makabuluhang Semana Santa.

#Sumvac2026

#LigtasAtHanda

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 895 Total Views

Related:


;