Los Baños Sunset at the Park “Easter Strings: A Resurrection Concerto” feat. CAP Ensemble (April 5, 2026)
Puno ng himig at damdamin ang “Easter Strings: A Resurrection Concerto” sa Los Baños Sunset at the Park nitong Abril 5, 2026 (Linggo) sa Gen. Paciano Rizal Park sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Pinangunahan ng CAP Ensemble ang konsiyerto kasama sina Sami Quiambao, 1st violinist; Anya Mercado, 2nd violinist; Angelica Villafuerte, 1st violist; Patric Maestral, 2nd violist; Paul Puncia, cellist; Leandro Martin Ong, guitarist; at Darren Vega, pianist.
Nagkaroon din ng espesyal na pagtatanghal sina Gabriel Antonio Parilla, violinist, at John Vincent Rosellosa, bandurria player, na lalong nagbigay kulay sa gabi ng musika at pagninilay. Pinangunahan naman ni Christine Deanne Vega ang daloy ng programa. Muling ipinamalas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang masigasig na pagsusulong ng sining at kultura, kasabay ng pagbibigay ng angkop na espasyo para sa sama-samang pagdiriwang ng bawat Los Bañense.
#SunsetAtThePark
#GeneralPacianoPark
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
