MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of April 2026)
Published date: Apr 6, 2026
Weekly Flag Raising Ceremony (1st Monday of April 2026)

Pinangunahan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang isinagawang pagtataas ng watawat nitong unang Lunes ng Abril 2026 sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa pamamagitan ni MSWD Officer at OSCA Caretaker Hanna Erika Laviña, ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal ng Los Baños Federation of Senior Citizens, Inc. na pinamumunuan ni Pangulo Andres Alforja (Malinta), kasama sina Pangalawang Pangulo Francisco Gabiola (San Antonio), Kalihim Ellen Ancajas (Mayondon), Ingat-Yaman Priscilla Barcial (Bambang), Auditor Jeomy Lui Chee (Anos), at P.R.O. Leopoldo Luma (Maahas). Itinalaga rin bilang Business Managers sina Norma Dimaano (Lalakay) at Lolita Valencia (Timugan), habang magsisilbing Board of Trustees sina Almario Valdesoto (Tadlac), Emilia Sevilla (Bagong Silang), at Virgilio Tandang (Bayog). Inilahad naman ni Ms. Anne Lizada ng OSCA ang mga naging accomplishment ng kanilang tanggapan mula Hulyo 2025 hanggang Marso 2026, habang ibinahagi ni PDAO Head Edgar Sarabia kasama si PWD Federation President Ronilo Yadao Jr. ang mga tagumpay at programang nakatuon sa mas episyente, inklusibo, at pinalakas na paghahatid ng serbisyo para sa Persons with Disabilities (PWDs).

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng panibagong sigla at dedikasyon sa muling pagpasok sa trabaho matapos ang Semana Santa. Hinikayat niya ang bawat kawani na isabuhay ang diwa ng pagninilay sa pamamagitan ng mas maagap, maayos, at tapat na paghahatid ng serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan ng Los Baños.

Nakiisa sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, at Hon. Jay A. Rolusta, kasama ang mga Department at Unit Heads, DILG Family, mga kawani ng pamahalaan, at on-the-job trainings. Patunay ito ng patuloy na pagkakaisa ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng serbisyong may malasakit, inklusibo, at serbisyong diretso sa tao tungo sa tuloy-tuloy na pag-abante ng bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 336 Total Views

Related:


;