Los Baños Senior High School (LBSHS) New Principal presents vision in courtesy call with Mayor Nocon (March 27, 2026)
Malugod na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa kanyang tanggapan nitong Marso 27, 2026 (Biyernes) ang bagong talagang Principal II ng Los Baños Senior High School (LBSHS), na si G. Rolly B. Caidic, kasama si Guidance Teacher Designate G. Aimer Limbaco. Pormal na nagpakilala si G. Caidic bilang bagong punong-guro ng LBSHS at ibinahagi ang kanyang mga adhikain para sa pamumuno sa paaralan.
Napag-usapan rin ang mga nakaplanong programa at proyekto upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral ng Los Baños Senior High School. Ipinahayag naman ni Mayor Nocon ang kanyang buong suporta sa mga inisyatibo at nagpahayag ng kahandaan ng lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa mga proyektong makabubuti sa bawat mag-aaral.
#LosBañosSeniorHighSchool
#NewPrincipal
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
