MENU
Philippine Standard Time:
Lalakay Senior High School TESDA NCII passers in tourism were honored in a meeting with Mayor Nocon (March 27, 2026)
Published date: Mar 27, 2026
Lalakay Senior High School TESDA NCII passers in tourism were honored in a meeting with Mayor Nocon (March 27, 2026)

Mainit na nakipagtagpo si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa mga mag-aaral ng Lalakay Senior High School na nakapasa sa TESDA Tourism Promotion Services (NCII) kasama sina Lalakay SHS Principal Marian Fermin, Tr. Juliet Cantuba, SDS Soledad Villanueva, at iba pang kawani ng DepEd nitong Biyernes, Marso 27, 2026. Ang pagtanggap ay pagkilala sa kanilang dedikasyon at kontribusyon sa pagpapalakas ng turismo ng Los Baños upang maging mas kilala at kaaya-aya sa bawat bisita at turista.

Ipinahayag ni Mayor Nocon ang kanyang suporta upang lalo pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa turismo at serbisyo, at hinikayat ang mga mag-aaral na makibahagi sa patuloy na pag-abante ng Los Baños bilang kabataan at kinabukasan ng bayan.

#TESDATourismPromotionServices

#NCIIpasers

#LalakaySeniorHighSchool

#MunicipalityofLosBaños 

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 391 Total Views

Related:


;