South Hill School’s Educational Tour to MGLB highlights service and leadership in action (March 27, 2026)
Nagsagawa ng educational visit sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga guro at mag-aaral ng South Hill School Incorporated, Los Baños nitong Marso 27, 2026 (Biyernes) na masiglang sinalubong naman ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Sa kanilang paglibot, nasilayan nila ang ilang tanggapan ng lokal na pamahalaan, kabilang ang Los Baños Operations Center, at naunawaan kung paano isinasakatuparan ang serbisyong diretso sa tao sa bayan ng Los Baños.
Ang karanasang ito ay naging inspirasyon sa kanila at naghatid ng kaalaman, pananaw, at motibasyon upang maging aktibo at responsableng mamamayan sa hinaharap.
#SouthHillSchoolIncorporated
#EducationalVisit
#MunicipalityofLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
