Batong Malake Barangay Assembly for CY 2026 First Semester successfully conducted with LGU participation (March 28, 2026)
Buong pusong nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa ginanap na Barangay Assembly Day para sa Unang Semestre ng CY 2026 ng Barangay Batong Malake nitong Marso 28, 2026 (Sabado) sa Batong Malake Covered Court I. Pinangunahan ang programa nina Hon. Captain Ian N. Kalaw na naghatid ng State of Barangay Address (SOBA), katuwang ang mga konsehal na sina Konsi Delfin Pabalate, Konsi Kristine Cadapan, Konsi Leo Katimbang, Konsi Joey De Gala, Konsi Rondelle R. Rizaldo, Konsi Elvira A. Teves, at Konsi Mark John D. Kalaw. Naging bahagi rin ng programa ang ulat ng Sangguniang Kabataan mula kay SK Chair Vincent P. Banasihan at ulat ng Lupong Tagapamayapa ni BMLT Pres. Pio S. Mijares, habang pinangunahan nina Hon. Rondelle R. Rizaldo at Ms. Shiena Dometita ang maayos na daloy ng programa.
Kabilang rin sa mga naging bahagi ang SILG message ng DILG at mensahe ng suporta ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kung saan kanyang iginiit ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mamamayan, transparency sa pamamahala, at pagkakaisa ng bawat sektor tungo sa tuloy-tuloy na pag-unlad. Muling pinag-ibayo ang ugnayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños at Barangay Batong Malake sa pagsusulong ng mga programang tunay na makabuluhan at napapakinabangan para sa bawat mamamayan.
#BarangayAssemblyDay
#StateOfBarangayAddress
#BarangayBatongMalake
#MunicipalityofLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
