MENU
Philippine Standard Time:
Collaboration meeting on water quality monitoring held between the Municipality of Los Baños, UPLB BIOTECH and Laguna Aquatech (March 25, 2026)
Published date: Mar 25, 2026
Collaboration meeting on water quality monitoring held between the Municipality of Los Baños, UPLB BIOTECH and Laguna Aquatech (March 25, 2026)

Bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon kay UPLB BIOTECH Director at Scientist Fides Marciana Z. Tambalo ng National Institute of Molecular Biology and Biotechnology, nitong ika-25 ng Marso 2026 (Miyerkules) sa UPLB upang talakayin ang posibleng kolaborasyon sa pagpapahusay ng water quality monitoring sa bayan ng Los Baños. Kasama sa pagpupulong sina Municipal Health Officer Dr. Alvin A. Isidoro, Municipal Engineer Ricky R. Estopace, MENRO Focal Person Sitti Fatima A. Traje, Los Baños Chief of Police PLTC Alexy E. Sonido at PCPL Roy Peña, gayundin ang mga kinatawan mula sa Laguna Aquatech, na sina Ms. Sheila Segui at Ms. Kim Estanislao. Ibinahagi sa pulong nina UPLB Technical Services Program Leader Dr. Jeffrey P. Tamayo at University Researcher Dr. Noel H. Tan Gana ang mga teknikal na kaalaman hinggil sa chemical analysis para sa water testing, kabilang ang mga metodolohiyang maaaring gamitin at kakayahan ng laboratoryo ng BIOTECH para sa mas maayos at siyentipikong pagsusuri ng kalidad ng tubig.

Tinalakay rin ang mga magkatuwang na inisyatiba ng UPLB Biotech at Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsasagawa ng mga pag-aaral, pagsusuri, at pagbibigay ng teknikal na suporta sa water quality monitoring at environmental management sa Los Baños. Higit na pinag-ibayo sa kolaborasyong ito ang pagtiyak ang ligtas at napapanatiling suplay ng tubig, pagpapalakas ng evidence-based na pagdedesisyon ng lokal na pamahalaan, at pagsusulong ng pangangalaga sa kalusugan at kapaligiran tungo sa mas ligtas, mas malinis, at mas sustenableng pamamahala ng yamang-tubig sa bayan.

#UPLBBiotech

#LagunaAquatech

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 316 Total Views

Related:


;