1st Quarter 2026 DSWD Social Pension Payout for indigent citizens ages 71-99 of Los Baños (March 26, 2026)
Matagumpay na naisakatuparan ang 1st Quarter 2026 Social Pension Payout nitong Marso 26, 2026 (Huwebes) para sa mga minamahal na indigent senior citizens ng Los Baños na may edad na 71–99. Ang programang ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naisagawa sa masikap na pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Treasurer’s Office (MTO), iba pang kawani ng pamahalaan, at mga opisyal at kawani ng barangay, na isang malinaw na patunay ng pagkakaisa at malasakit sa kapakanan ng ating mga lolo at lola.
Higit isanlibo’t limandaan ang naging benepisyaryo ng programa na ginanap sa iba’t ibang clusters upang mas mapabilis at mapalapit ang serbisyo. Kabilang sa mga barangay na nabigyan ay ang Baybayin at Timugan sa Municipal Activity Area, habang ang San Antonio ay sa Gymnasium, at ang Tadlac sa Tadlac Evacuation Center. Ang Batong Malake, Tuntungin-Putho, at Bagong Silang naman ay sa Batong Malake Covered Court; at ang Mayondon sa Sports Complex. Tumanggap naman ang Malinta, Anos, Bayog, Maahas, at Bambang sa kani-kanilang Covered Courts, habang ang Lalakay isinagawa sa Lalakay Barangay Hall.
Higit pa sa tulong pinansyal, ang programang ito ay sumisimbolo ng paggalang, pagkilala, at walang sawang pasasalamat sa mga haligi ng ating bayan. Magpapatuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa serbisyong diretso sa tao, sapagkat ang bawat ngiti at pasasalamat ng ating mga nakatatanda ay inspirasyon at dangal para sa atin.
#DSWDSocialPensionPayout
#1stQuarter2026SeniorPayout
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
