Food handler orientation on safe food preparation and sanitation practices was held in Los Baños (March 25, 2026)
Pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) na pinamumunuan ni Dr. Alvin I. Isidoro at katuwang ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa pamumuno ni Ms. Madeleine M. Alforja, ang matagumpay na pagsasagawa ng Food Handler Orientation noong March 25, 2026 (Miyerkules) sa 2F Audio Visual Room, Municipal Hall, Los Baños Laguna para sa mga food handlers at mga nagnanais magsimula ng food business sa bayan.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mahahalagang paksa ukol sa food safety at wastong food handling practices. Ibinahagi ni Ms. Marlyn Rañola ng Municipal Health Office ang Food Safety Orientation at ang Sanitation Code of the Philippines, habang pinangunahan naman ni Ms. Madeleine M. Alforja ang diskusyon sa “Smart Choices: Nutritional Safety and Quality” upang higit na mapalalim ang kaalaman ng mga kalahok sa paghahanda ng ligtas at masustansyang pagkain.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa lahat ng dumalo at nakiisa sa nasabing aktibidad. Patuloy ang ating sama-samang pagkilos upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng kalinisan, kaligtasan, at kalidad ng pagkain para sa kapakanan ng buong bayan.
#FoodHandlerOrientation
#FoodSafety
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
