Los Baños held the CY 2027 Annual Investment Program (AIP) formulation workshop to strengthen development planning and budgeting March 25, 2026)
Matagumpay na naisagawa ang CY 2027 Annual Investment Program (AIP) Formulation Workshop sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) na pinamumunuan ni Ms. Twila T. Torres, EnP, na ginanap nitong March 25, 2026 sa 3rd Floor Multi-Purpose Hall, Municipal Hall, Brgy. Timugan, Los Baños, Laguna.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang departamento at yunit upang higit na mapalakas ang kanilang kakayahan sa paghahanda ng mga programa, proyekto, at aktibidad (PPAs) para sa CY 2027 AIP. Tinalakay ni Ms. Lou Andie D. Reyes, EnP, Planning Officer III, ang Overview of AIP, Planning and Budget Linkages, gayundin ang AIP Forms, PPA Preparation, at Costing. Sinundan ito ng diskusyon ni Ms. Bernadine Maranan, Planning Assistant, hinggil sa Google Sheet Encoding and Protocols upang matiyak ang maayos at sistematikong pag-encode ng datos.
Isinagawa rin ang hands-on workshop na pinangunahan ni Ms. Joyce Ann Mae L. Del Valle, Acting Municipal Budget Officer, kung saan nagkaroon ng aktwal na encoding, presentasyon ng outputs, at pagbibigay ng feedback. Kabilang din sa kanyang tinalakay ang bagong procurement process na alinsunod sa RA 12009. Dagdag pa rito, ibinahagi ni Ms. Arlaiza Marie C. Bienes, Administrative Aide, ang Quarterly Physical Report for Operations upang gabayan ang mga tanggapan sa maayos na monitoring at reporting ng kanilang mga programa.
Lubos ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa lahat ng nakilahok at nag-ambag sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at koordinasyon, patuloy nating pinagtitibay ang mga programang maghahatid ng mas epektibo at makabuluhang serbisyo para sa mamamayan ng Los Baños.
#AnnualInvestmentProgram
#AIP2027
#StrategicPlanning
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
