Child Development Centers (CDC) held moving up ceremony for Barangay Anos, Bambang, and Tadlac learners (March 24, 2026)
Masayang nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa Moving Up Ceremony ng Child Development Centers (CDC) ng Barangay Anos, Bambang, at Tadlac nitong ika-24 ng Marso 2026 (Lunes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center kung saan sama-samang ipinagdiwang ang mahalagang milestone ng mga batang nagsipagtapos. Naging matagumpay ang selebrasyon sa pangunguna ng mga CDC Teachers at sa pakikiisa nina MSWDO Hanna Erika E. Laviña, Brgy. Captain Benito Elec ng Anos, Brgy. Captain Arlene P. Delos Santos ng Bambang, at Brgy. Captain Jaime B. Buendia ng Tadlac.
Binigyang-halaga ni Mayor Nocon ang papel ng Child Development Centers sa paglinang ng pundasyon ng mga bata bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa pormal na edukasyon. Aniya, ang pamumuhunan sa edukasyon ng kabataan ay pamumuhunan sa kinabukasan ng bayan.
#MovingUpCeremony
#ChildDevelopmentCenters
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
