MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon joined the 43rd RIC Timugan Moving Up Ceremony in Los Baños (March 24, 2026)
Published date: Mar 24, 2026
Mayor Nocon joined the 43rd RIC Timugan Moving Up Ceremony in Los Baños (March 24, 2026)

Puno ng inspirasyon ang ginanap na 43rd Moving Up Ceremony ng Rural Improvement Club (RIC) – Timugan, Los Baños nitong ika-24 ng Marso 2026 (Lunes) sa Girl Scout of the Philippines (GSP) Hall, Brgy. Timugan na dinaluhan ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng tagumpay ng mga kabataang Los Bañense. Sa temang “Munting hakbang tungo sa maunlad na kinabukasan,” pinangasiwaan ang programa ng mga RIC officials, teachers, child development workers, center aides, at staff sa pangunguna nila President Jocelyn E. Matundan at CDW Melinda Louis, na may buong suporta ni Brgy. Captain Renato A. Samson. 

Sa kanyang mensahe, pinagtibay ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng maagang paghubog sa kakayahan, disiplina, at pagpapahalaga sa mga kabataan. Pinuri rin niya ang sipag at dedikasyon ng mga mag-aaral at pinasalamatan ang mga magulang at gurong walang sawang gumagabay sa kanilang paghubog. Ang pagdiriwang na ito ay sumasalamin sa matibay na ugnayan ng pamahalaan, paaralan, at pamayanan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat kabataang Los Bañense.

#MovingUpCeremony

#RICtimugan

#RuralImprovementClub

#MunicipalityOfLosBaños 

#SerbisyongDiretsoSaTao 

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 3067 Total Views

Related:


;