MENU
Philippine Standard Time:
Batong Malake Public Market improvement works inspected by Mayor Nocon and municipal officials (March 19, 2026)
Published date: Mar 19, 2026
Batong Malake Public Market improvement works inspected by Mayor Nocon and municipal officials (March 19, 2026)

Muling bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Batong Malake Public Market noong Marso 19, 2026 (Huwebes) upang higit pang palakasin at paghusayin ang mga isinasagawang pag-aayos at pagpapaganda ng pasilidad ng pamilihan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan at lokal na negosyante.

Kasama sa inspeksyon sina Municipal Engineer Ricky R. Estopace, MPDO EnP Twila T. Torres, GSO Engr. Raymond Joseph Paraiso, at MUDHO Head Karen Joy B. Coronado. Sama-sama nilang sinuri ang kasalukuyang kondisyon ng pamilihan at nagbigay ng mga suhestiyon at rekomendasyon upang matugunan ang iba pang pangunahing pangangailangan ng lugar.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng masigasig na serbisyong diretso sa tao ng Pamahalaang Bayan, na nakatuon sa pagpapanatili ng kaayusan, pagpapabuti ng pasilidad, at pag-angat ng lokal na kabuhayan sa bayan ng Los Baños.

#BatongMalakePublicMarket

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 368 Total Views

Related:


;