Heritage sites in Los Baños were inspected to strengthen conservation and development efforts (March 19, 2026)
Nagsagawa ng masusing inspeksyon sa mga Heritage Sites ng Los Baños si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon nitong Marso 19, 2026 (Huwebes) kasama sina Municipal Engineer Ricky R. Estopace, MPDC EnP Twila T. Torres, GSO Engr. Raymond Joseph Paraiso, at MUDHO Head Karen Joy B. Coronado bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapangalagaan, mapanatili, at higit pang mapabuti ang mga makasaysayang pook na sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan ng ating bayan.
Tiniyak sa inspeksyon na matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa konserbasyon at pagpapaunlad ng mga heritage site, upang hindi lamang ang mga ito na manatiling buhay bilang alaala ng nakaraan, kundi maging aktibong bahagi rin ng kasalukuyang pag-unlad ng bayan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan, inaasahang magiging mas maayos, ligtas, at kaaya-aya ang mga makasaysayang pook para sa mga residente at mga bumibisitang turista.
#LosBañosHeritageSitesInspection
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
