Mrs. Maria Cristina Ngo of Los Baños shared her multiple honors from Mrs. Laguna Universe Official 2026 on her courtesy visit (March 19, 2026)
Nag-courtesy visit si Mrs. Maria Cristina Ngo ng Brgy. Malinta kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa kanyang Tanggapan noong Marso 19, 2026 (Huwebes) upang ibahagi ang kanyang natamong karangalan sa Mrs. Laguna Universe Official 2026 na ginanap noong Marso 1, 2026 sa Santa Rosa, Laguna Auditorium.
Si Mrs. Ngo ay nakamit ang 2nd Runner-Up title, gayundin ang Mrs. Laguna Universe Official Ambassador 2026, Top 5 sa Radio Interview at Evening Gown, at LR Studio Choice Award, mga pagkilalang sumasalamin sa kanyang husay, dedikasyon, at natatanging representasyon ng kababaihang Los Bañense.
Sa kanyang pagbisita, ipinaabot ang taos-pusong pagbati at pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, bilang pagpupugay sa kanyang tagumpay na nagdadala ng karangalan sa bayan.
Ang tagumpay ni Mrs. Ngo ay patunay ng lakas, ganda, at kakayahan ng kababaihang Los Bañense na magtagumpay sa iba’t ibang larangan at magsilbing inspirasyon sa komunidad.
#MrsLagunaUniverseOfficial2026
#2ndRunnerUp
#PrideOfLosBaños
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
