Consultation workshop on Comprehensive Land Use Plan (CLUP) enhancement conducted in Los Baños (March 19, 2026)
Isang Consultation Workshop para sa pagpapahusay ng Comprehensive Land Use Plan (CLUP) ng Los Baños ang pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO) na pinangungunahan ni EnP. Twila T. Torres nitong ika-19 ng Marso 2026 sa Municipal Multipurpose Hall.
Sa workshop na ito, tinalakay ang kasalukuyang framework ng plano, bineripika ang mga datos, at kinalap ang mahahalagang opinion at perspektiba mula sa iba't ibang sektor upang masiguro na ang kolektibong adhikain ng Pamahalaan at ng mga mamamayan ay maisasakatuparan gamit ang CLUP, bilang pangunahing gabay sa tamang paggamit, alokasyon, at pamamahala ng mga lupaing sakop ng Los Baños.
Dinaluhan ito ng mga pinuno at kinatawan mula sa lokal, pambansa, at internasyonal na ahensya kabilang ang ACB, BFAR IVA, BPI-LBNCRDC, BSP-LB, CSI, DepEd Los Baños, DOST CALABARZON, ERDB, FPRDI, IRRI, LBP, LARC, LBDHMC, LSPU-LB, LWD, PARRFI, PCAARRD, PhilRice, PHSA, SEARCA, UPLB, UPOU, PNR, MCME, DTI Laguna, PPDCO Laguna, DA IVA, DOT IVA, at DHSUD IVA. Ang inisyatibang ito ay patunay ng pagtutulungan ng iba't ibang sektor para sa pangmatagalang kaunlaran at kabutihang panlahat.
#ComprehensiveLandUsePlan
#ConsultationWorkshop
#CLUPupdating
#CLUPofLosBaños
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
