Educational Assistance Payout for college grantees for 2nd Semester of School Year 2025–2026 conducted in Los Baños (March 18, 2026)
×
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO) at Municipal Treasurer's Office, ang Educational Assistance Payout para sa Existing College Grantees para sa ikalawang semestre ng School Year 2025–2026 nitong ika-18 ng Marso 2026 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area.
Ang programang ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga mag-aaral na benepisyaryo upang mapagaan ang gastusin ng mga pamilya, mapatatag ang kanilang pag-aaral, at magsilbing matalinong pamumuhunan para sa kinabukasan ng bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
