MENU
Philippine Standard Time:
Enhancement Training for Barangay Public Safety Officers (BPSOs) held in Los Baños (March 18, 2026)
Published date: Mar 18, 2026
Enhancement Training for Barangay Public Safety Officers (BPSOs) held in Los Baños (March 18, 2026)

Ang Enhancement Training para sa mga Barangay Public Safety Officers (BPSOs) ng Los Baños ay matagumpay na ginanap nitong ika-18 ng Marso 2026 (Miyerkules) sa Lopez Elementary School Auditorium. Pinangasiwaan ito ng DILG Los Baños sa pangunguna ni MLGOO Michiko R. Escalante sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa direktiba ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, na nagpahayag ng suporta sa patuloy na pagpapatibay ng kakayahan ng mga BPSO. Nagbahagi rin ng mensahe at gabay si Los Baños Municipal Police Station OIC PLTCOL Alexy Embernate Sonido, at si DILG Laguna Cluster Head Maria Lorilyn V. Marique bilang suporta sa patuloy na pagpapaigting ng kaalaman at kahandaan ng mga Barangay Tanod.

Tinalakay sa pagsasanay ang mahahalagang paksa kabilang ang Katarungang Pambarangay, Incident Report Writing, Top Tanod Assessment, Arrest Techniques, at Self-Defense na ibinahagi nila PCpl Fatima Venus Juarez ng PNP Los Baños, LGOO III Joseph Gabriel I. Ariate ng DILG, Pat. Joanielyn Villanueva ng PNP Los Baños, JOI Jerico D. Llaneras ng BJMP Los Baños, at Cluster Head Maria Lorilyn V. Manrique ng DILG Laguna. Nagtapos ang pagsasanay sa pagbibigay ng mensahe ni MLGOO Michiko R. Escalante na sinundan ng awarding ceremony bilang pagkilala sa  mahalagang papel ng mga kalahok sa pagpapatatag ng seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan sa buong bayan ng Los Baños.

#EnhancementTrainingForBPSOs
#BarangayPublicSafetyOfficers
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 603 Total Views

Related:


;