MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños actively participated in the kickoff ceremony of ANILAG Festival Level Up 2026 (March 17, 2026)
Published date: Mar 18, 2026
Los Baños actively participated in the kickoff ceremony of ANILAG Festival Level Up 2026 (March 17, 2026)

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ay buong pusong nakiisa sa matagumpay na pagbubukas ng ANILAG Festival Level Up 2026 na ginanap noong Marso 17, 2026 sa Festival Grounds ng Laguna Provincial Capitol. Pinangunahan ni Gobernadora Sol Aragones ang ribbon cutting ceremony kasama si Mayor Nocon at iba pang opisyal, na naging hudyat ng pormal na pagbubukas ng mga booth ng iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan. Aktibong nakibahagi ang Bayan ng Los Baños sa pagtatampok ng makasaysayang kultura, likhang-sining, at mga natatanging lokal na produkto na nagpapakita ng mayamang pagkakakilanlan at produktibong pamayanan ng ating bayan.

Lalong pinasigla ang pagdiriwang sa pagtatanghal ng mga lokal na talento at ng espesyal na performance ng Sexbomb Dancers na sina Rochelle, Aira, Mia, at Sandy na naghatid ng sigla, aliw, at enerhiya sa bawat Lagunense. Ang ANILAG Festival Level Up 2026 ay nag-iwan ng isang makabuluhang pamana bilang makulay na pagdiriwang ng talento, mayamang kultura, at matibay na pagkakaisa ng buong lalawigan ng Laguna.

#ANILAGFestivalLevelUp2026

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 405 Total Views

Related:


;